Ang Pinaigsing Paglalahad ng Fiqh ng Sunnah at ng Maluwalhating Aklat (Filipino): Ang may-akda ay naghigpit na pagbatayan ng fiqh ang Qur’an at ang mapapanaligang hadith ng Propeta, na buong ingat na iniiwasan ang anumang mahina at itinatakwil na hadith na matatagpuan sa karamihan ng mga aklat ng fiqh.
Sa pamamagitan ng biyaya at pagpapala ni Allah, mayroon na ngayong maraming bilang ng panimulang kalipunan ng fiqh na nasa sa atin ngayon sa iba’t ibang wika. Gayon pa man, ang natatanging gawa na ito ay mayroong namumukod-tanging pananaw na nakagawa rito na maging isang bantog na gawa sa kanyang katutubong wikang Arabik, at nararapat na makagawa (tayo) rito, sa kapahintulutan ni Allah, ng isang mahalagang ambag sa panitikang Islamiko na nakahanda sa Filipino. Halimbawa, ang may-akda ay naghigpit na pagbatayan ng fiqh ang Qur’an at ang mapapanaligang hadith ng Propeta, na buong ingat na iniiwasan ang anumang mahina at itinatakwil na hadith na matatagpuan sa karamihan ng mga aklat ng fiqh. Upang higit na matiyak na ang gawang ito ay lubhang mapagkakatiwalaan, nilimitahan na lamang ng may-akda ang kanyang pagtalakay sa kung ano ang tuwirang makukuha sa Qur’an at sa Sunnah, at samakatuwid, ay tunay na makatotohanan at malaya sa pagtatalo. Sinadya niyang iwasan ang marami at mabusising pagtatalo ng mga dalubhasa sa batas na malimit nilang pinagkakaabalahan, na ipinauubaya sa mambabasa ang ganap na pagtitiwala sa kung ano ang isinulat ng may-akda.
Cover Type |
Hardcover |
Author |
Dr. Abdul Azeem Ibn Badawi |
Arabic title |
الوجيز فى فقة السنة والكتاب العزيز |
Translator |
Eisa Christopher Javier |
Year of publication (HC) |
2014 |
Edition number (HC) |
1 |
No. of pages (HC) |
760 |
Format |
14.5 x 21.5 |
Hardcover ISBN |
978-603-501-234-8 |
Year of Publication (either) |
2014 |